Your Attention Deficit Hyperactive Monster

RSS

Reblog if you are a wizard

(Source: charizzaaa)

jeffreyreprise replied to your post: Tumblr Meet-up.
ayun oh. hahaha! may plano ata kami ulit, pero ewan ko sa mga yun kung lokohan lang ba o seryoso. haha

gustoko yan… basta malamig na lugar, ayain nyo ako. kahit wala akong Plurk. :))

Tumblr Meet-up.

Nagkaro’n sila ng Plurk GT. Mukang sobrang saya nila. Kainggit, gusto ko ding magpalamig sa mall. Nakaburo lang ako dito sa bahay. Mainit.

At dahil inggitero ako at gusto kong umalis ng bahay. Mag meet-up din tayong mga tao dito sa Tumblr. Bale, sila-sila din sa Plurk, tapos dadagdag lang ako. HAHAHAHA. Epal nga eh.

Dahil dun naalala ko tuloy, ilang araw na [or linggo na ata yun] ang nakakalipas nung sinabi kong gagawa ulit ako ng Plurk account. ‘Di ko pa din nagagawa ‘gang ngayon. Sipag talaga.

Ako ay master ng procrastination. Malamang pati, pagkamatay ko ipagpaliban ko neto dahil sa katamaran ko eh.

Anyway, sige na. Ayain nyo ako umalis. Please. Ü

jeffreyreprise replied to your post: Meron akong naisip…

mas maganda pag audio post! haha!

di ko keri yun jeff. tsaka automatic ip-play ng player sa page. nakakahiya. hahaha. :))

Meron akong naisip…

Rants about my life and random stuffs about her. Yan ang kasalukuyang laman ng blog ko. Ewan ko ba, binura ko yung una kong Tumblr account na dedicated sa kanya kasi naisip ko na parang unnecessary na naman. Tapos gumawa ako ng bago only to end up being almost like the one before it.

Public blog about my personal life. About her. Well, hindi naman ganun ka interesting yung buhay ko at sino bang may pakialam sa feelings ko sa kanya? Kung s’ya nga walang pakialam e, pano pa yung iba? And besides, parang ang weird din naman na gumagawa ako ng mga posts tungkol sa kanya eh hindi rin naman n’ya nababasa. [Minsan nga naisip ko: ‘ano kaya kung mabasa n’ya to? may magbabago kaya?’]

And then I thought: ‘Bakit hindi nalang kaya ako gumawa ng mga pabasa na magiging mas interesate sa mga followers ko?’ Or at least something less lousy that what I’ve been posting all along.

Tapos ayun. Wala din naman akong naisip na magandang i-post. Parang tanga lang.  Pero habang naghuhugas ako ng pinggan kagabi, bigla kong naisip na gumawa ng Unconventional Series.

Ano ba ‘yang ‘Unconventional Chu Chu’ na ‘yan? Ba ewan ko din. Bigla lang pumasok sa isip ko eh, nasobrahan lang siguro ako ng singhot sa dish washing liquid kagabi. Joke lang. Naisip ko lang gumawa ng series of posts tungkol dun sa mga generally-accepted ideologies and principles. Cliche? Yes. But to make things more interesting eh, mas bibigyan ko ng pansin yung opposite. Yung part na hindi nabibigyan ng pansin dahil sa mga ideolohiyang ‘yan. Yung unorthodox side.

Pagkakatanda ko, parang nagawa ko na ata to dati. Pero about “Waiting for Mr. Right” ata yun. ‘Di ako sure. Tapos ‘di na nasundan. Ngayon balak kong gumawa ng marami [actually, may isa ng na akong naka-draft. Sa isip ko.]

Epal kasi ako. Mahilig akong kumontra. Pero trip ko ding bigyan ng pagkakataong marinig yung parteng madalas ay hindi napapakinggan. Madalas kasi nandun ako.

Kaya ayun. So wish me luck. Sana magawa ko nga. Para naman ang susunod na mababasa mo sa dash mo eh hindi nalang tungkol sa lovelife ko. Although technically, wala naman talaga akong lovelife. S’ya kasi eh.

Post Scriptum: May nagtanong sa’kin nung nakaraan kung sino ba talaga yung tinutukoy ko sa mga posts ko? Tinatanong pa ba yun? Edi s’ya: [Pagbigyan n’yo na. Last na e.]

Napanaginipan ko s’ya. ULIT. Buti pa dun sa panaginip na yun, masaya kaming magkasama, sana ganun din IRL.

Sinabi N’ya… —Part 2

“May pag-asa pa ba tayo?” tanong ko sa kanya.

“Wala na eh” sagot nya.

“Wala na talaga?” Ulit ko. Habang nagbabakasali na ang isang istupidong tanong gaya nun ay makakapagpabago ng isipan nya.

Umiiling sya, saka sinabing “Wala na talaga.”

Kakatapos lang nun ng unang presentation sa Rizal ng ‘Mi Ultimo Adios’. May problema s’ya kaya nagyaya syang uminom. Sumama kami at pagkatapos naglasing. Sa kalagitnaan ng inuman at kwentuhan natanong ko sa kanya yan. Ewan ko, gawa siguro ng kalasingan kaya ako nagkaro’n ng lakas ng loob na magtanong. At base na rin sa sarili ko at mga kakilala ko, pagdating sa ganyang bagay, hindi nagsisinungaling ang lasing.

Bago pa man mangyare yan, ilang araw ng may gumugulo sa isip ko. Hindi mawala sa isip ko yung ideya na magtatapos na kami ng pag-aaral at pagtapos nun ay magkakaron ng ng kanya-kanyang buhay. Kanya kanyang buhay. At dun sa buhay na tutunguhin nya ay hindi kami magkasama. Kanya-kanyang buhay. Paulit-ulit. ‘Anong magagawa ko?’ Tanong ko sa sarili ko. Paano ko ipapaalam sa kanya na ayaw kong mawala sya, gayong alam ko na sa oras na ipagtapat ko yun ay iisipin ng lahat na ginagawa ko lang yun kasi nagkabalikan na sila ano. Sa totoo lang wala naman akong pakialam kahit ano pa ang isipin ng iba, ang masakit lang, yun din ang iniisip nya.

Ayokong tanggapin na tapos na talaga yung samin. Ayokong tanggapin na sa ganung ending lang mauuwi yung inakalang kong magiging napakagandang lovestory. Ayoko. Ayoko kasi pakiramdam ko mahalaga pa din ako sa kanya. Kasi lagi niya pa ring pinaparamdam na espesyal ako. O siguro yun lang nais kong maramdaman.

Pero desidido na sya eh. Ano pang magagawa ko?

Sa kasalukuyan, hindi ko alam kung ano ang mas tamang gawin. Ang lumayo sa kanya at i-isolate ko na naman ang sarili para masanay na akong wala s’ya [expert ako dun eh]. Para pagdating ng panahon na kailangan na talaga naming pormal na magpaalam sa isa’t isa, hindi na ganun kahirap. O ang sulitin ang bawat pagkakataon na makasama s’ya at lasapin ang bawat minuto para may bauning magagandang alaala pagnagkahiwa-hiwalay na?

Apr 8
[Flash 9 is required to listen to audio.]

Youth Of The Nation

“Youth of the Nation” by P.O.D.


Bigla ko tong naisip na theme song gawa ng nalalapit na ang aking pamamaalam sa aking teen years. Hindi pa naman pamamaalam sa pagkabata yun ‘di ba? Bilang pa din ang 20 sa age group na youth ‘di ba?

Anyway, magi-increment man ang edad ko, tatanda ang itsura ko, at magma-mature ang isip ko, pero mananatili akong bata. Ü

We are, we are the youth of the nation

Apr 7

What if you're in love with an atheist?

Anonymous

Wow. This is the first time that someone actually TA me asking a question. Thanks.

So, what if I’m in love with an atheist?.

Here’s what I think, I don’t believe that a person’s belief or his/her religion defines who he/she is. I actually don’t care about other people’s religion. What I look for in a person is his/her personality. As long as that person is lovable, then so be it.

Just because a person has a different set of beliefs with me, it doesn’t mean that I can’t or won’t love him/her. Differences in beliefs as well as personality usually arises in different relationships, and when two people doesn’t agree on a matter and both won’t put down their prides, it is always best to just agree to disagree.

BOTTOM LINE: I don’t give a damn on your beliefs or whatsoever, if I love you, then I’ll love you with all my heart. Regardless of who you are and what you believe in.

Apr 7

Sinabi N’ya… —Part 1

Words indeed are the most powerful weapon ever developed by men. History has already proven so. Malayo ang narating ng mundo dahil sa mga pinuno na may angking husay pagdating sa talastasan. Maraming mga prominenteng tao ang narating ang kanilang estado ng laway lang ang puhunan. Leaders have led their nations into rise and fall with the aid of words. Sabi ko nga noon, the moment that a person opens his/her mouth would be his/her make or break point, worse, it could be other person’s breaking point.

At yun ako ngayon. Broken. Broken dahil sa mga salita nya.

We were playing during the third[? ‘di ako sure kung third nga. pasensya. crappy memory ko] day of the retreat then medyo nahagip sya ng bola nung tumira yung isa naming kalaro, then she said “anu ba yan, sinasaktan mo ko, boyfriend pa naman kita” [hindi yan yung eksaktong sinabi, but you get the drift]. Tapos ayun, I know it was a very innocent joke. Pero ewan ko. Ang weird nung feeling, parang biglang nagpantig yung tenga ko and then it struck me. “Paano nga kaya kung magkaron na sya ng boyfriend?”, “Paano kung may iba na syang mahal?”, “Paano na’ko?”. Alam ko medyo selfish ako mag-isip, but I can’t help but to think of those things. ‘Yun pa nga lang na marinig syang magbiro about having a boyfriend [na hindi ako] ansakit na eh, pano pa kaya pag nagkatotoo? Malamang hindi ko kayanin. Or siguro baka kayanin ko. Ang tanong eh ga’no katagal? Gaano katagal ko na namang bibitbitin yung sakit? Gaano katagal akong magmo-move on? At higit sa lahat, gaano katagal na naman akong magkukunwaring maligaya?